Pagbebenta muli ng NFA rice sa palengke, isusulong sa Kamara

A vendor arranges rice for sale at a market in Paco, Manila on March 13, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isusulong sa Kamara ngayong linggo ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagbebenta muli ng NFA rice sa mga palengke para maging affordable ang bigas sa lahat na paraan para bumaba ang presyo nito.

Ayon kay Cong. Tulfo,“ ito lang ang ­tanging paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil noong may NFA rice pa sa palengke, mas mura sila ng P5 to P10 per kilo kumpara sa regular commercial rice.

Aniya, bago mangyari ito ay kailangan na talagang ibasura itong RA 11203 o Rice Tariffication Law”.

Ayon sa nasabing batas, ipinagbabawal na sa National Food Autho­rity (NFA) ang pagbebenta ng bigas bagkus ito ay maaring mag-imbak na lang ng bigas bilang buffer stock ng bansa para sa panahon ng emergency.

“May mga batas kasi tayo na ‘di na naangkop sa panahon kaya kailangan ng rebyuhin o ibasura, kagaya ngayon mahal ang bigas at naghahanap ang tao ng murang bigas…and its only NFA that can deliver that”, pahabol ni Tulfo.

Show comments