2 drug pusher tiklo sa higit P.6 milyong shabu

Kinilala anzg mga naarestong suspek na sina Joehar Sangki a.k.a. Datu Tokie, 33 at Elenor Panes, 41.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Dalawa umanong drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation nitong Sabado ng umaga sa  Muntinlupa City.

Kinilala anzg mga naarestong suspek na sina Joehar Sangki a.k.a. Datu Tokie, 33 at Elenor Panes, 41.

Sa report ng Muntinlupa City Police, alas-5:43 ng umaga nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek sa Posadas Avenue,Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na may magaganap na bentahan ng ‘bato’ kaya agad na isinagawa ang beripikasyon.

Nang magpositibo ang tip, pumuwesto na ang mga otoridad gayundin ang nagsilbing poseur buyer at nang makuha na sa mga suspek ang nasa 100 gramo ng shabu na may standard drug price na  P680,000.00 ay inaresto na ang mga ito.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.

Show comments