Reklamong grave threat kay Duterte, ibinasura ng piskalya

Binigyang diin ni Atty. Roque na batay sa natanggap nilang kopya ng desisyon ng korte, pinawalang sala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang kaso dahil hindi sapat ang mga naipakitang ebidensya na nagdidiin sa kaso kay Duterte.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Atty. Harry Roque na ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong grave threat na isinampa ni ACT Partylist Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kaso ay nag-ugat  sa umano’y pagba­banta ni Duterte kay Castro sa isang programa sa telebisyon.

Binigyang diin ni Atty. Roque na batay sa natanggap nilang kopya ng desisyon ng korte, pinawalang sala si Duterte sa naturang kaso dahil  hindi sapat ang mga naipakitang  ebidensya na nagdidiin sa kaso kay Duterte.

Sa naunang counter affidavit ni Duterte, sinabi nito na  ikinukwento lamang niya ang kanilang napag-usapan ng anak nitong si  Vice President Sara Duterte at wala siyang intensyon na pagbantaan si Castro.

Ayon naman kay Rep. Castro na wala pa siyang natatanggap na desisyon nang pagbasura sa isinampang kaso laban kay Duterte.

Show comments