^

Police Metro

Window hours ng number coding scheme ‘di aalisin- MMDA

Mer Layson - Pang-masa
Window hours ng number coding scheme ‘di aalisin- MMDA
Motorists and commuters experience bumper-to-bumper traffic along Roxas Boulevard near EDSA flyover in Pasay due to the rehabilitation of the southbound and northbound lanes on November 8, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi aalisin ang window hours ng number ­coding traffic scheme nito.

Ito ang nilinaw sa isang public briefing ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes na ang desisyon na panatilihin ang window hours ay upang matiyak na ang mga sasakyan ay hindi tatambak sa oras ng rush hour.

“Mas mabuti na po siguro na may window hour para iyon pong ating mga kababayan na sakop ng number coding iyong sasakyan ay lumabas lamang sa window period at pagkatapos ng oras ng coding, kaysa lahat po iyan ay magbaka-sakali na hindi naman po. namin kayang hulihin dahil nga po walang NCAP (No Contact Apprehension),” ani Artes.

Sa ilalim ng kasaluku­yang coding scheme ng MMDA, ang window hours ay mula 10:01 a.m. hanggang 4:59 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Idinagdag ni Artes na ang protocol ay nakikinabang sa mga mamamayan sa isang kotse lamang, at makakatulong din ito sa pamamahala ng trapiko sa panahon ng Christmas rush.

Upang makatulong na mabawasan ang trapiko sa kalsada sa panahon ng Kapaskuhan, ang MMDA ay nagpatupad ng mga patakaran upang suspendihin ang hindi mahalaga o hindi prayoridad na gawain sa kalsada, mga pagsasaayos ng mga oras ng mall at regulasyon ng mga benta at paghahatid sa buong mall.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with