^

Police Metro

Dagdag-sahod din sa probinsya workers hiling

Gemma Garcia - Pang-masa
Dagdag-sahod din sa probinsya workers hiling
The pay hike, mandated under a wage order promulgated last year, was the second tranche of the increase in the minimum wage of workers in the private sector.
AFP / File

Pagkatapos sa NCR…

MANILA, Philippines — “Magdagdag na rin ng sahod ng mga mangagawa sa mga probinsya.”

Ito ang hiling ni Senate Minority leader Koko Pimentel sa mga  Regional Wage Boards sa buong bansa kasunod ng pag-apruba sa P40 na dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila workers.

Ayon pa kay Pimental na kung magiging P610 na ang P570 na daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay napakaliit at hindi katanggap-tanggap ang pagsweldo sa mga lalawigan gayung pareho naman kailangan na kumain ng tatlong beses sa isang araw ng mga tao.

Bukod dito, nagtaas din umano ng bilihin sa mga probinsya at mas mataas pa ang presyo ng gasolina at kuryente.

Paliwanag pa ni Pimentel na hindi naman maaaring altanghap habambuhay o  sama-sama na sa isang pagkain ng almusal, tanghalian at hapunan ang pagkain ng mga nasa lalawigan araw-araw.

Iginiit pa ni Pimentel na dapat maitaas ang minimum wage ng mga manggagawa tungo sa antas na bukod sa angkop ng kanilang trabaho at dedikasyon ay magbibigay din sa kanila ng kakayanan na mabuhay na may dignidad.

Ang pagtataas umano ng sweldo sa buong bansa ay maituturing na social justice dahil sa bilis ng inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

WAGE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with