Bulkang Mayon posibleng sumabog

Taal volcano binabantayan din…
MANILA, Philippines — Maaaring mauwi sa pagsabog ang abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ito ang naging babala ni OIC Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Dr. Teresito Bacolcol, kaya’t itinaas nila sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa maraming naitalang “rock falls” na umabot sa 49 mula alas-5:00 ng hapon noong Hunyo 4 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Hunyo 5, 2023.
Pinapayuhan ang mga mamamayan na huwag pumasok sa tinatatawag na six-kilometer permanent danger zone.
“So, we raised it to … Alert Level 2 na po siya ngayon. And we advised again the people not to venture doon sa six-kilometer permanent danger zone,” dagdag ni Bacolcol.
Ayon pa kay Bacolcol, mahigpit ang ginagawa nilang monitoring sa Mayon Volcano dahil sa “shallow magmatic processes” na maaaring mauwi sa “phreatic eruptions” at magbunga ng “hazardous magmatic eruptions.”
Bukod sa Mayon Volcano, mino-monitor din ng Phivolcs ang Taal Volcano na nasa Alert Level 1 dahil sa paglalabas nito ng sulfur dioxide na umaabot sa 3,000 meters o 3 kilometro na nagdudulot ng masamang amoy.
Ang nasabing sulfur dioxide aniya ay acidic na maaari ring magdulot ng iritasyon sa lalamunan, sa mata at sa respiratory tract at delikado sa mga may asthma, may heart disease, mga bata at buntis.
- Latest


















