Batas sa pandemic ­recovery, isusulong ng ACT-CIS

MANILA, Philippines — Para makabangon sa pandemya ang unang isusulong na batas ng ACT-CIS, sa pagbubukas muli ng kongreso sa Hulyo.

Ito ay alinsunod sa plano ng papasok na administrasyon ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ito ang sinabi ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, dahil patuloy pa rin naman ang pandemya sa buong mundo kaya’t tuloy pa rin ang buhay ngunit dapat mag-ingat pa rin.

“Kailangan natin ng mga batas tulad ng mga ayuda sa hindi makapasok sa trabaho ng ilang araw dahil sa virus at pagpapagamot o ­masusing pag-aaral doon sa mga kababayan natin na patuloy na may COVID sa katawan ngunit hindi naman na nakakahawa,” ani Tulfo.

Para naman kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, ang dagdag na cash ayuda para sa mga matatanda at mga Persons With Disability (PWD) kailangan ng isulong.

“Sa nagtataasang bilihin ngayon, wala nang mabili ang P500 to P1,000 na monthly cash assistance para sa kanila kaya’t kailangan ng dagdagan ang kanilang allowance,” wika ni Yap.

Show comments