Siklista, binaril sa ulo, dedo
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang siklista nang malapitang barilin sa ulo ng isang hindi pa kilalang salarin habang nagbibisikleta sa Brgy. UP Campus, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Ivan Meriel Agustin, 28, binata, at residente ng 58, LTJ Francisco St., Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-9:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa University Avenue, Diliman, Brgy. UP Campus.
Sa salaysay ng isang testigo, na hindi na pinangalanan kasalukuyan umano siyang nakaupo sa damuhan sa University Avenue nang makarinig ng isang putok ng baril.
Nang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita na lang umano niya ang isang lalaki na duguang nakabulagta katabi ang nakatumba nitong bisikleta.
Agad niyang ipinagbigay-alam sa nagpapatrulyang security guard ang insidente.
- Latest






















