^

Police Metro

P537 minimum wage sa NCR, ‘di sapat - DOLE

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na masyadong maliit ang P537 na minimum wage para sa National Capital Region (NCR).

Gayunman, ipinunto ni Bello na ang pagsasaayos sa minimum wage ay nakasalalay sa pagtatasa ng regional wage board, kung saan isinasaalang-alang din nila ang kapasidad ng mga employer na magtaas ng suweldo.

“Personally, medyo maliit na yung P537 dito sa Metro Manila. Pero ang pinakamahalagang i-consider natin ay kaya ba ng mga employers,” ani Bello.

Noong Martes, ilang grupo ng manggagawa ang humirit para sa pagtaas ng sahod kasunod ng kamakailang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) executive director Rochelle Porras na dapat taasan ang sahod sa hindi bababa sa P750.

Nang tanungin kung oras na para ibigay ang pagtaas ng minimum wage, sinabi ni Bello na kailangang pag-aralan muna ng regional wage board ang mga pangangailangan ng mga manggagawa gayundin ang kapasidad ng mga employer. 

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with