Alert Level 4 sa NCR posibleng palawigin

Members of the Quezon City Police District continue to conduct checkpoint along the boundary of San Mateo, Rizal and Quezon City on Aug. 5, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Kung magiging mababa ang re­­sulta ng CO­VID-19 infections ay posibleng palawigin pa ng dalawang linggo ang ipinatutupad na CO­VID-19 Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) na magtatapos sa katapusan ng Setyembre.

“Hopefully kapag nagawa natin ito sa mga susunod na araw, matapos na ‘yung katapusan sa buwan na ito, maaari pa itong i-extend ng two more weeks bago natin tunay na makita kung ano talaga ‘yung na­ging epekto nito sa ating mga datos,” ayon kay, National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla.

Ang Metro Manila  ay nasa ilalim ng Alert Level 4, “second-highest alert level,” dahil mataas o tumataas ang case counts at tumataas ang utilization rates ng kabuuang COVID-19 beds at intensive care beds at granular lockdowns ay maaaring ipatupad sa ilalim ng nasabing alert level.

Ang pilot implementation ay tatagal ng hanggang Setyembre 30.

Sinabi ni Padilla na pinag-isipang mabuti ng pamahalaan ang pagpapatupad o ikasa na rin ang alert level system sa ibang mga rehiyon kapag nagkaroon ng magandang resulta sa NCR.

Ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na ang pagpapatupad ng COVID-19 Alert Level 4 sa NCR ay ia- assessed matapos ang unang linggo ng pilot implementation. - Danilo Garcia

Show comments