1,848 pasaway huli sa curfew

MANILA, Philippines — Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, nasa 1,848 katao ang nahuli ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag sa pinaiiral na curfew.
Sinabi ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing bilang ay base sa inisyal na inireport sa kaniyang tanggapan ng mga district directors sa buong Metro Manila.
“Six hundred five ang binigyan natin ng warning at para magmulta, mayroong 1,235 at nasa walo naman ang merong for community service,” pahayag ni Eleazar.
Ang curfew sa Metro Manila ay mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kasabay ng pag-iral ang ECQ mula Agosto 6-20.
Iginiit ni Eleazar, ang mga konsyumer na Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay dapat bumili na ng kanilang mga pangangailangan bago ang curfew.
Ang mga drivers naman ng mga pampublikong sasakyan na mahuhuling hindi sumusunod sa health protocols ay iisyuhan ng citation tickets kabilang dito ang hindi pagsunod sa “one seat apart” ng mga pasahero para sa social distancing.
- Latest

















