_pang-masa
^
120K nurses sa Pinas walang employment record
Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia na base sa datos ng human resources bureau ng Department of Health (DOH), nasa 602,000 nurses ang nakarehistro sa kanilang database.
STAR/File

120K nurses sa Pinas walang employment record

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) tinatayang nasa 120,000 nurses ang wala sa employment records ng bansa na isa umanong dahilan para sa ipinatupad na ‘deployment ban’ sa ibayong-dagat,

Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia na base sa datos ng human resources bureau ng Department of Health (DOH), nasa 602,000 nurses ang nakarehistro sa kanilang database. 

Sa bilang na ito, 183,000 ang naka-employ sa mga pampubiko at pri­badong health facilities sa bansa habang 350,000 ang nasa ibang bansa.

“We therefore have a gap of almost 120,000. This is exactly the reason why the IATF (Inter-Agency Task Force Against COVID-19) imposed temporary suspension of the deployment of our nurses,” ayon kay Olalia.

Nagpatupad ang pamahalaan ng deployment ban nang pumutok ang COVID-19 noong 2020 hanggang sa payagan nang makapagtrabaho nang magtakda ng 5,000 deployment cap na itinaas ngayon sa 6,500.

Nanawagan naman ang Filipino Nurses United (FNU) sa pamahalaan na tanggalin na ang deployment ban para makapagtrabaho at makatulong sa kanilang mga kaanak ang mga nurses na walang trabaho ngayon.

NURSE POEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with