^

Police Metro

PNP checkpoint mas hinigpitan sa mga boundaries

Doris Franche - Pang-masa
PNP checkpoint mas hinigpitan sa mga boundaries
Mahigpit na ipinatupad kaha_pon ng mga mi_yembro ng Bulacan Provincial Police Officer (PPO) ang checkpoint sa mga motoristang duma_daan sa boundary ng San Jose Del Monte Bulacan at Caloocan City sa Quirino Highway sa pagsisimula ng GCQ bubble.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mas hinigpitan ng PNP ang mga checkpoints sa mga boundaries kaya’t hindi na pinapayagan ang mga hindi “essential worker” na nais lumabas at pumasok sa Metro Manila.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson BGen. Ildebrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus kaya’t minarapat ng natio­nal government na lakihan ang spread ng boundaries.

Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Metro Manila para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng virus.

Sa ngayon ang pinapayagan na pumasok sa Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o yung mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na dito ang mga delivery goods and services.

Walang travel restrictions sa NCR, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna dahil ikinukunsidera ang mga ito na one bubble, NCR+.

May mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries at ang mga hindi essential workers ay hindi maaa­ring makapasok ng Metro Manila.

Ayon kay Usana, sa dalawang linggo ipatutupad ng PNP ang ganitong set-up kaya hindi puwedeng makalabas ang sinuman sa NCR maliban na lamang kung mayroong maipakitang ID na isa itong essential workers.

Paalala ng PNP, may umiiral pa ring curfew hours kaya kung nais bumiyahe mula NCR patungong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan dapat gawin ito sa umaga o hapon ng sa gayon hindi masita sa mga checkpoints.

vuukle comment

CHECKPOINTS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with