^

Police Metro

Kamara ginugulo ng ‘Terrible 3’

Gemma Garcia - Pang-masa
Kamara ginugulo ng âTerrible 3â
Ito ang naging pana­wagan ni Kabayan partylist Congressman Ron Salo sa tinagurian niyang ‘terrible three’ na sina Buhay partylist Rep. Lito Atienza; Pwer­sa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles; at da­ting Negros Occidental Congressman Alfredo Benitez.
STAR/Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — “Tigilan na ang mga intriga at pahayag na wa­lang buting ibubunga kundi si­rain ang imahe ng Kongreso at mahati ang atensiyon ng mga mambabatas sa mga mahahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin.”

Ito ang naging pana­wagan ni Kabayan partylist Congressman Ron Salo sa tinagurian niyang ‘terrible three’ na sina Buhay partylist Rep. Lito Atienza; Pwer­sa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles; at da­ting Negros Occidental Congressman Alfredo Benitez.

Pinuna ni Salo si Atienza na tinaguriang si “Mr. No Quorum” nagsabing ang napabalitang coup ni Marinduque Congressman Lord Allan Jay Velasco laban kay Speaker Alan Peter Ca­yetano ay gawa-gawa daw lamang ng huli. 

Anya, paano masasabi ni Atienza na imbento lang ang coup attempt gayung may 20 solon ang nagpatunay sa balak ng kampo nito na kudeta.

Pinasinungalingan din ni Salo ang sinabi ni Nograles na hindi totoo ang planong pagpapatalsik kay Cayetano gayun siya ay ang nagsabing mga proyekto sa pambansang badyet at maging mga pagiging chairperson ng mga House committees ang inaalok ng kampo ni Velasco para sumanib sa panig nito.

Nakatawag pansin din kay Salo ang mga pahayag ni dating Congressman Benitez na nagsabing ang Visayas bloc sa Kamara ay susunod sa term-sharing agreement sa pagitan ni Velasco at Cayetano, pero bakit umugong ang planong patalsikin si Cayetano at pangalan niya ay lumutang na sangkot sa coup na kumakausap  sa mga kongresista para mangalap ng suporta para sa plano ni Velasco na patalsikin si Cayetano bilang Speaker.

Sa ilalim ng term sha­ring, unang uupo si Cayetano bilang Speaker sa loob ng 15 buwan, at susunod naman si Velasco sa loob ng 21 buwan na magsisimula sa bandang Oktubre ng taong ito. 

“Sa tingin ko, kinakabahan na sina Velasco at Benitez dahil baka hindi na suportahan ang una ng mga kongresista dahil kitang-kita naman na maganda ang performance ng Kamara sa ilalim ni Speaker Alan at aprub lahat sa maayos niyang pamamalakad,” dagdag pa ni Salo.

ALFREDO BENITEZ

JERICHO NOGRALES

RON SALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with