^

Police Metro

US binanatan ang Pinas sa pagbasura sa VFA

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa
US binanatan ang Pinas sa pagbasura sa VFA
Ginawa ni Esper ang pahayag ilang oras matapos na ipadala na ng Department of Foreign Affairs ang notice of termination ng VFA sa US Embassy sa Manila habang patungo ito sa Europe upang dumalo sa Security Conference ng NATO officials sa Germany.
Handout photo

MANILA, Philippines — “W rong direction”.

Ito ang naging banat kahapon ni US Defense Secretary Mark Esper sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na ipawalang bisa ang Vi­siting Forces Agreement (VFA) dahilan sa isyu ng rehiyonal na se­guridad na hindi malayong samantalahin ng China sa pagiging higit pang-agresibo sa South China Sea (West Philippine Sea).

“I do think it would be a move in the wrong direction as we both bilaterally, with the Philippines and collectively, with a number of other partners and allies in the region, are trying to say to the Chinese you must obey the international rules of order. You must obey, you know, abide by international norms,” pahayag ni Esper.

Ginawa ni Esper ang pahayag ilang oras matapos na ipadala na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang notice of termination ng VFA sa US Embassy sa Manila habang patungo ito sa Europe upang dumalo sa Security Conference ng NATO officials sa Germany.

Sinabi naman ni US Department of State Assistant Secretary for Political-Military Affairs R. Clarke Cooper na ang pagtuldok sa VFA sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ay makakaapekto ng malaki sa military-to-military activities ng US at AFP troops.

Hindi naman ikinagulat ng Malacañang ang banat ng US na maling diskarte ang pagbasura sa VFA

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malinaw kasi na ang VFA ay higit na na­ging paborable at kapaki-pakinabang lamang sa Amerika.

Tiyak din kasi aniyang maaapektuhan ang strategic defensive positio­ning ng Amerika ngayong wala na ang VFA.

Nanindigan pa si Pa­nelo na nasa tamang direksyon ang Pilipinas at dapat na matagal nang ginawa at panahon na aniya na palakasin ang sariling depensa ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, hihina lamang kasi aniya ang defense mechanism ng Pilipinas kung pala­ging aasa sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Panelo na ang desisyon ni Pangulong Duterte na ibasura ang VFA ay nakaangkla sa pagbalangkas ng independent foreign policy kung saan binibigyang halaga ang interes ng taong bayan.

Samanatala, walang plano ang Malacañang na magsagawa ng pagrepaso sa umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA).

vuukle comment

VI­SITING FORCES AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with