Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, inatasan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na pagsabihan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na pirmahan at ipadala ang notice of termination sa pamamagitan ng U.S. Embassy.
Yancy Lim/Presidential Photos, File
Pinas ipinadala na ang VFA ‘termination notice’ sa US
Rudy Andal, Joy Cantos (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Palas­yo ng Malacañang na pinir­mahan at naipadala na ng pamahalaan ng Pilipinas sa Amerika ang notice of termination sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, inatasan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na pagsabihan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na pirmahan at ipadala ang notice of termination sa pamamagitan ng U.S. Embassy.

“The President directed the Executive Secretary Salvador Medialdea to tell Secretary Teddy Boy Locsin of the Foreign Affairs to send a notice of termination to the US go­vernment last night and the Executive Secretary sent the message to Secretary Teddy Boy Locsin and the latter signed the notice of termination… and sent to the US government today,” ani Panelo.

Paliwanag ni Panelo, hindi na kinakailangang umayon pa ng Amerika para mapawalang bisa ang VFA na mapapawalang bisa matapos ang 180 araw na matanggap ng Amerika ang abiso ng Pilipinas.

Sa tweet naman ni Locsin, sinabi nito na natanggap na ng Amerika ang notice of termination ng Pilipinas.

Nagpasya si Pangulong Duterte na ibasura ang VFA dahil sa pakikiaalam ng Amerika sa panloob na usapin ng Pilipinas gaya ng hirit na palayain si Senador Leila de Lima.

Ikinagalit din ng Pa­­­ngulo ang pasya ng Amerika na pagbawalang makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng pagpapakulong ni De Lima pati na ang pagkansela sa U.S. visa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

VISITING FORCES AGREEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with