^

Police Metro

Obrero nahulog sa 16th floor, patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 28-anyos na obrero matapos itong mahulog mula sa ika-16 na palapag na gusali sa Barangay San Lorenzo, Makati City kahapon ng umaga.

Ang nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Allan Casul, steelman, residente ng Peñafrancia, Antipolo City, Rizal.

Base sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-11:00 ng umaga sa 16th floor sheerwall BPO Building Processing Office 1 na matatagpuan sa Edsa corner Ayala Ave­nue Barangay Lorenzo, Makati City ay tumuntong ang biktima sa isang plastic board nang ito ay bumigay.

Dumausdos pababa ang biktima hanggang bumagsak sa ground floor ng nasabing gusali. Agad sinugod ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa trabaho sa Makati Medical Center, subalit hindi na umabot ng buhay.

Hinala ng pulisya na marupok na ang pinagtungtungan na plastic board ng biktima kaya’t bumigay ito.

vuukle comment

HULOG

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with