2 holdaper sa malate, napatay

Bago nangyari ang barilan, ala-1:30 ng madaling araw sa kanto ng Leon Guinto St., at Dagonoy St., Malate ay nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan nila ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na nag-counter flow at natumba sa kalsada.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang dalawang lalaking holdaper nang ito umano ay nanlaban sa mga nagpapatrulyang pulis na sisita sa kanila dahil sa pag-counter flow kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Walang makuha na anumang pagkakakilanlan sa dalawang lalaking suspek na inilarawan sa edad na 35-40, maraming tattoo sa katawan.

Bago nangyari ang barilan, ala-1:30 ng madaling araw sa kanto ng Leon Guinto St., at Dagonoy St., Malate ay nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan nila ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na nag-counter flow at natumba sa kalsada.

Nang lalapit ang mga pulis ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng dalawang lalaki.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang dalawang suspek na dinala sa Ospital ng Maynila kung saan idineklarang dead-on-arrival.

 Nang beripikahin, natukoy na ang mga suspek ang madalas mangholdap umano sa lugar at batay na rin sa pinakahuling insidente na nabiktima nila ang isang Jessa Perez, 22, entertainer na natangayan ng cellphone.

Nang pinapunta si Perez sa ospital para kilalanin ay positibo ito na ang dalawa ang humoldap sa kaniya.

Show comments