2 estudyante utas sa motorsiklo

MANILA, Philippines — Magkayakap pang namatay ang dalawang estud­yante ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa concrete barrier ng tulay sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Malbert Balimbin, 26 at Vicente Esmela, 21, kapwa nag-aaral sa TESDA Campus, Ilagan City, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:50 ng hapon ay galing sa inuman ang dalawang biktima sa isang kapistahan sa Barangay Minallo.

Dito ay mabilis na minamaneho ni Balimbin ang motor at angkas si Esmela nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang una dahilan para sila ay masalpok sa concrete barrier sa tulay.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay magkayakap na tumilapon sa kalsada ang dalawa na una ang ulo na tumama sa semento na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Show comments