3 call center agent todas sa road crash
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - June 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang gagawin sanang team building ng isang kumpanya matapos na masawi ang tatlong call center agent habang 11 ang nasugatan matapos na mawalan ng preno ang sinasakyan nilang van at sumalpok sa puno ng niyog sa highway ng Sitio Quipasa, Brgy. Poblacion, Mambajao, Camiguin.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Julie Ann Mae Olive, Jovert de Asis at Ian Jumahalili, pawang nasa hustong gulang.

Sa ulat na nakarating kay Lieutenant Coronel Roy Bahain, hepe ng Camiguin Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon nitong Sabado ay sakay ang mga biktima ng puting Toyota Hi-Ace van at binabaybay ang nasabing highway nang mawalan umano ng preno at tuluy tuloy na sumalpok sa mga puno ng niyog na agad ikinasawi ng tatlong biktima na ikinasugat ng 11 pa na pawang kawani ng IBEX Global Davao.

Sampu sa mga nasu­gatan ay pawang nagtamo ng seryosong sugat habang minor injuries lang ang natamo ng driver ng van na si Joy Sobremisana.

Nabatid na ang grupo ay dumating noong Sabado sa Camiguin at naglibot muna bago magpasyang magtungo sa Saay Cold Spring nang maganap ang aksidente.

TEAM BUILDING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with