^

Police Metro

2 utas sa droga

Jorge Hallare, Danilo Garcia - Pang-masa
2 utas sa droga
Sa ulat, alas-9:20 ng gabi ay kapaparada pa lamang ni Macalintal sa ipinapasadang tricycle sa may Navarro St., Maligaya, Brgy. 177 nang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo at naka-facemask ang agad na pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan. Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Dalawang katao na umano ay sangkot sa illegal drugs ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa Caloocan City at Daraga, Albay.

Sa Caloocan City, kinilala ang nasawing si William Macalintal, alyas “Willy”, 49. at nakatira sa Pitong Bahay, Brgy. 177 Camarin.

Sa ulat, alas-9:20 ng gabi ay kapaparada pa lamang ni Macalintal sa ipinapasadang tricycle sa may Navarro St., Maligaya, Brgy. 177 nang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo at naka-facemask ang agad na pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan. Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patay din ang umano’y numero 1 at high value target sa droga ang suspek na si Florencio Millena, 31 nang ito ay manlaban sa drug bust kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Purok-5, Brgy. Malabog, Daraga, Albay.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi nang isagawa ang buy bust ­operation, subalit nakatunog ang suspek na pulis ang ka-deal at nang aarestuhin ay pumalag ito at pinutukan ang ka-transaksiyon na pulis na naka-vest.

Gumanti ng putok ang mga nakapaligid na operatiba at napatay ito.

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with