Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, ang suspek na si Danilo Bautista, alyas ‘Daboy,’ at residente ng 1055 Bolante 1, sa natu­rang barangay.
File
Kelot timbog sa droga, armas
.Mer Layson (Pang-masa) - December 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Himas-rehas ngayon ang isang 36-anyos na lalaki matapos mabuking ng mga otoridad ang pagbebenta nito umano ng ilegal na droga, at nag-iingat pa ng baril at mga bala sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, ang suspek na si Danilo Bautista, alyas ‘Daboy,’ at residente ng 1055 Bolante 1, sa natu­rang barangay.

Sa ulat ni Pasig City Police chief, P/Senior Supt. Rizalito Gapas, nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa isang buy-bust operation sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga pulis hinggil sa ilegal na aktibidad nito kaya’t isinagawa ang operasyon.

Kaagad namang ina­resto at binitbit sa presinto ng mga pulis ang suspek nang makumpiskahan ng 10 pakete ng shabu, na di pa batid ang dami at halaga, at P300 buy-bust money, gayundin ng kalibre .45 baril, na may limang bala, at P300 cash.

ILEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with