^

Police Metro

Pamilya, 6 todas sa bus

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Pamilya, 6 todas sa bus
Nayupi na parang lata ang isang tricycle nang salpukin ng pampasaherong Bus kahapon ng umaga sa Davao-Cotabato Highway, Brgy. Cogon, Digos City.
Rhoderick Beñez

Sinasakyang tricycle sumalpok...

MANILA, Philippines — Anim miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos ang sinasakyan nilang tricycle ay sinalpok ng isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Davao-Cotabato Highway, Brgy. Cogon, Digos City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Joel Castro, 32, ng Sta. Cruz, Davao del Sur- driver ng tricycle; misis nitong si Honey Grace Castro, 27; mga anak na sina Joana Claire, 4; Cyril Jake, 7; Pedo, 2; at Floro Ocdenaria ama ni Honey.

Sa imbestigasyon ni PO3 DEO Karol Aznar, ng Digos-PNP Traffic Division, bago nangyari ang sakuna dakong alas-6:20  ng umaga ay binabagtas ng Mindanao Star Bus Incorporated na may body no. 15408 at plakang  ACX-7283 ang national highway nang ito umano ay nawalan ng kontrol ang driver at nasalpok ang kasalubong na kulay orange na tricycle na sinasakyan ng pamilya.

Sa lakas nang pagkabangga ay nayupi na parang lata ang tricycle na agad ikinasawi ng lima rito habang ang isa ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Nangako naman ang pamunuan ng nasabing bus na kanilang aakuin ang pagpapalibing sa mga biktima habang kakasuhan ang driver ng bus ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

vuukle comment

JOEL CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with