^

Police Metro

Bise todas, mayor kritikal sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang isang vice mayor at security escort nito habang malubhang nasugatan ang mayor na anak ng una at limang iba pa nang pagbabarilin ang kanilang sinasakyan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan naganap kahapon ng umaga sa highway ng Balaonan, La Union.

Kinilala ang mga nasawi na sina Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion, 55; at security escort nitong si Mike Ulep dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kritikal namang kalagayan si Balaoan ­Mayor Atty. Aleli Concepcion, anak ni Vice Mayor Alfred.

Ang iba pang nasugatan ay kinilalang sina Roderick Urpiano; Ronniel Valdez; Joey Lopez; Dominador Bautista at mga bystanders na sina Roberto Octavo, 58, tricycle driver at Marilou Dingle, 37.

Sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-8:20 ng umaga sa Balaoan–Luna provincial road, Brgy. Cabauan, Balaoan ng lalawigan ay sakay ang mag-ama sa Toyota Innova (AOG-966)  na minamaneho ni Roniel Valdez  habang ang kanilang mga security escorts ay lulan naman ng Hyundai Starex (SHZ -467) na minamaneho ni Joey Lopez at Rusi motorcycle na ang driver ay ang escort na si Ulep.

Galing sa kanilang bahay at patungo  na sa municipal hall ang convoy ng mag-ama na kapwa reelectionist sa May 2019 midterm elections nang tambangan ng mga armadong kala­lakihan na lulan naman ng Toyota RAV 4 .

Narekober ng mga nagrespondeng otoridad ang 150 basyo ng bala ng M 16 rifles na ginamit ng mga salarin.

vuukle comment

ALFRED CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with