Australian utas sa saksak
Ang bangkay ng Australyanong tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay sa isang lugar sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan ng naarestong suspek na si Soriano.
Boy S. Cruz

Australian utas sa saksak

Boy S. Cruz (Pang-masa) - August 12, 2018 - 12:00am

3 suspek arestado…

MANILA, Philippines — Isang 67-anyos na Australian citizen ang nasawi matapos siyang tadtarin ng saksak ng isang umano’y hired killer habang siya’y nag­lalakad sa isang lugar sa Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Guiguinto sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Tigmak sa sarili niyang dugo ang bumulagtang biktima na kinilala sa pamamagitan ng narekober na passport at iba pang personal na kagamitan na si Wai Tsang Ming, tubong-China at residente ng Fairmont Park Subd., North Fairview sa Quezon City.

Agad namang naaresto ng mga pulis ang sinasabing inupahan para patayin ang bikitima na si Romy Soriano, 52, ng Northville 7, Brgy. Malis sa bayan ng Guiguinto, at ang itinuturong mastermind na si Joan Cañete, 36, negosyante, ng Brgy. Mawaque sa Mabalacat City, Pampanga, at tiyahin nitong si Rosalinda Estrada, 61.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi ay tumawag ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz hinggil sa natagpuang bangkay sa nasabing lugar at nang makumpirma ay dito na tumawag ng SOCO para sa isasagawang technical investigation saka narekober ang mga personal na kagamitan nito.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation sina Estrada at Soriano kabilang ang isang 12 pulgadang kut­sil­yo na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon naman ni PO1 Jayson Quidasol nabatid na ibi­nebenta ng suspek na si Cañete sa biktima ang kanyang ari-arian na nasa Mabalacat, Pampanga sa halagang P4.1 milyon at nang makabayad na ito ng aabot sa mahigit na P3-milyong piso ay dito na pinagplanuhan na patayin ang biktima.

AUSTRALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with