^

Police Metro

Traffic rerouting sa SONA

Mer Layson - Pang-masa
Traffic rerouting sa SONA
Ayon kay P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr, director ng QCPD, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa lahat ng sasakyan na dadaan sa Batasang Pambansa Complex kaya inaabisuhan ang mga motorista na sumunod sa inihanda nilang ruta.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Upang maging gabay ng mga motorista sa gaga­wing State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa complex ngayong araw ay nagpalabas ng traffic rerouting ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr, director ng QCPD, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa lahat ng sasakyan na dadaan sa Batasang Pambansa Complex kaya inaabisuhan ang mga motorista na sumunod sa inihanda nilang ruta.

Kasama sa dagdag na magpapasikip sa daloy ng trapiko ang mga rali ng iba’t ibang cause-oriented groups na tutol sa pamahalaang Duterte at mga pro-Duterte sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nabatid na magpapatupad ng “zipper at counterflow lanes” sa Commonwealth Avenue para bigyan daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan at foreign dignitaries.

Mula alas-12:01 ng madaling araw ang Commonwealth Ave., North bound ay partially closed mula sa Toyota Commonwealth hanggang Sandiganbayan U-turn slot.

Ang South-bound lanes ng Commonwealth Avenue ay mananatiling bukas mula alas-6:00 ng umaga para sa mga motoristang galing ng Quezon Memorial Circle (QMC) na patungo ng Fairview na gagamitin ang ‘zipper lane’ mula sa Home Depot U-turn slot at inner lanes.

Ang dulo ng ‘zipper lane’ ay hanggang sa Sandiganbayan U-turn slot habang ang mga motorista na galing ng Fairview patungo ng QMC gamitin ang dating rota hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Ang buong west-bound lane ng IBP Road mula sa Litex to Sandiganbayan ay sarado sa lahat ng motorista mula sa Filinvest 1, Sinagtala, San Mateo Road at Filinvest 2 na patungo ng Fairview at Commonwealth Avenue na gagamit ng east-bound lane ng IBP Road at exit sa Litex hanggang alas-2:30 ng hapon.

Ang mga light vehicles na galing sa QMC patungo ng Fairview ay maaaring gamitin ang North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, kaliwa sa Chestnut Street, kanan sa Dahlia Street, kanan sa Fairlane Street at lalabas sa Commonwealth Avenue.

Ang mga sasakyan na galing ng Fairview patungo ng QMC ay kakanan sa Fairlane Street, kanan sa Dahlia Street, kaliwa sa Chestnut Street, kanan sa Old Sauyo Road, kanan sa Mindanao Avenue at U-turn sa Quirino Highway at Mindanao Avenue patungo sa kani-kanilang destinasyon.

vuukle comment

JOSELITO ESQUIVEL JR

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with