_pang-masa
^

Police Metro

2 drug pusher utas sa buy bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na umano ay drug pusher at holdaper ang nasawi sa magkahiwalay na barilan sa Pateros at Maynila.

Namatay noon din ang suspek na si Marlon Bautista, 30, ng Martinez Bukid St., Pateros.

Bago nangyari ang barilan dakong alas-9:34 ng gabi sa Culig-Culig St., Brgy. Santa Ana, Pateros ay nagpanggap ang isang pulis na bibili ng shabu sa suspek.

Subalit, habang nagkakabutan ng items ay nakahalata ang suspek na pulis ang ka-transaksiyon at bumunot ng baril kaya’t binaril ito na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nasamsam sa suspek ang isang kalibre 38 baril,  mga bala, drug bust money at 3 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Sta. Ana, Maynila ay napatay rin ng mga pulis ang suspek na si Joseph Macato alyas Erap ng Posadas St., Punta, Sta. Ana, Maynila nang kumasa sa buy bust operation dakong ala-1:12 ng madaling araw sa bahay  ng suspek.

Narekober sa suspek ang ginamit niyang kalibre 38 baril at 13 sachet ng shabu. - Lordeth ­Bonilla

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with