Kinilala ang mga suspek na sina Franz Dizon, 24; Jomar Cortez,18 at isang itinago ang pangalan sa “Boy”, 17, pawang mga residente ng Sampaloc, Maynila na kinasuhan na ng rape sa piskalya.
File
3 rapist ng 14-anyos, tiklo
.Mer Layson, Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga oto­ridad ang tatlo sa limang suspek na itinuturong nanghalay sa isang 14-anyos na dalagita at nangmolestiya rin sa 15 anyos na ka­sama nito sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Franz Dizon, 24; Jomar Cortez,18 at isang itinago ang pangalan sa “Boy”, 17, pawang mga residente ng Sampaloc, Maynila na kinasuhan na ng rape sa piskalya.

Patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang kasama ng mga ito na kinilalang sina Adolf Dizon at Adrian Bravo.

Batay sa ulat, noong Mayo 31, 2018 dakong alas-4:30 ng madaling araw ay naka-chat ng biktima na itinago sa pa­ngalang Elsa,14 ang suspek na si Franz na nagyayaya na mag-inuman sila na nangyari sa garahe ng suspek sa R. Papa St., matapos silang sunduin kasama ang isa pang biktima na si Cherry, 15.

Sa sobrang kalasingan ay nakatulog si Elsa na naramdaman niyang dinala na siya sa banyo at doon siya hinalay ni Franz.

Nang makaraos ay binuhat siya ni Franz at dinala sa labas at doon naman nakita na nakapalibot ang apat pang suspek at halinhinang ginahasa si Elsa.

Hindi naman umano na-rape si Cherry dahil sa may menstruation ito at sa halip ay nag-‘sarili’ ang mga suspek habang nilalalamas umano ang mga maseselang bahagi ng katawan ni Cherry.

Nagsipag-alisan ang mga suspek at naiwan ang dalawang babae na dinatnan ng menor de edad na kapatid ng mga Dizon na tumulong para makalabas ng garahe at makauwi.

Nang makarating na sa bahay ang mga biktima ay ikinuwento ang lahat ng pangyayari na agad namang nagpasaklolo sa pulisya.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naaresto kamalawa ang tatlong suspek.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with