^

Police Metro

1 patay, 13 sugatan sa aksidente sa TPLEX

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang ginang na 22-anyos habang 13 iba pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok sa bakal na barandilya ang sinasakyan nilang van sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan –La Union Expressway (TPLEX) sa bayan ng Rosales, Pangasinan nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Shilany Aten-an, taga-Buguias, Benguet, binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan.

 Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang biktima na isinugod dito ng mga rescuers.

Sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang sakuna sa bahagi ng nasabing highway bandang alas-12:30 ng madaling araw.

Nabatid na masyadong mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Luisito Mora, 44 taong gulang nang biglang pumutok ang gulong nito bunsod upang sumalpok ito sa barandil­yang bakal sa bahagi ng highway.

Nahaharap naman sa kasong homicide at multiple injuries ang driver ng van bunga ng insidente.

vuukle comment

TPLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with