Mortar sumabog: 8 todas, 5 sugatan
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - January 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang walong katao habang sugatan ang limang iba pang kasama nila makaraang sumabog ang napulot na mortar sa loob ng “bunkhouse ng Sirawai Plywood Lumber Corporation na matatagpuan sa Sitio Washington, Brgy. Guban, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Namatay noon din sina  Marcelo Antogan, 21; Roel Balamban,18; Roberto Timgulaan, 9; Loed Timbulaan, 8; Ben Timbulaan, 6:at Lade Balamban.Habang idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Jeofer Timbulaan at Junrey Sango; kapwa 18-anyos.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Lito Timbulaan, 37; Joey Sundongon,18;Edick Malanao, 18; Arnel Quemas at Junrey Quemas.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon  nang mangyari ang pagsabog sa nasabing lumber firm pero dakong alas-10:30 na ng gabi kamakalawa nang iulat ito ni Melecio Arcenal, Chief Security ng Sirawai Plywood Lumber Corporation.

 Sinabi ni Arcenal na napulot ng kanilang trabahador na si Marcelo  sa bukiran ang isang mortar na dinala nito sa kanilang ‘bunkhouse’ saka minartil­yo sa harapan ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan bunsod upang sumabog ito na ikinamatay ng walong katao habang lima ang malubhang nasugatan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with