^

Police Metro

Pulis kernel, 4 kidnaper utas sa shootout

Pang-masa

MANILA, Philippines — Madalamhating Pasko at Bagong Taon ang sasalubong sa mga naulila ng isang pulis kernel matapos itong magbuwis ng kanyang buhay samantalang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas, habang napaslang din ang apat na miyembro ng isang notoryus na kidnap for ransom group, at sugatan naman ang isa pang pulis matapos mauwi sa madugong shootout ang rescue operation sa isang negosyante sa Crossing, Brgy. Sta. Lucia, Angat, Bulacan nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos ang nasawing-palad na biktima na si Supt. Arthur Masungsong, Chief ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Luzon Field Unit na ngayon ay nakalagak na ang kanyang labi sa St. Ignatius Funeral Parlor malapit sa Camp Crame, Quezon City.

Naka-confine naman sa Chinese General Hospital ang sugatang pulis na si Chief Inspector Reynaldo Lumactod.

Samantala, ayon kay Carlos, hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na napatay na kidnaper.

Nasawi man si Masungsong at sugatan si Lumactod, ay maituturing na matagumpay ang pakaka-rescue sa biktimang si Raziel Esguerra na dinukot ng mga suspek sa kanilang tahanan noon lamang kamakalawa (Disyembre 22).

Nabatid na P15 milyong ransom ang hinihingi ng mga suspek kapalit ng buhay ng biktima.

Dakong alas-1:10 ng madaling araw nang ikasa ng mga otoridad ang rescue operation sa biktima sa may Crossing ng Brgy. Sta. Lucia sa bayan ng Angat.

Kasalukuyang bumabagtas ang kulay puting Mitsubishi Adventure (SHP 289) na ginamit sa pagkidnap sa biktima sa highway nang mapansin ng mga suspek na sinusundan sila ng PNP-AKG operatives na agad na pinaputukan ng mga kidnaper.

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at kidnaper, kung saan sinawimpalad na mapatay si Masungsong, masugatan si Lumactod, at mapatay din ang apat na suspek.          

Kaugnay nito, binisita naman ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa pagamutan ang sugatang parak at pinapurihan ang kabayanihan ng team nito.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with