Beauty Queen ni-rape/slay

 Kimberly Autida

Beauty Queen ni-rape/slay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - July 20, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Isang naging kandidata sa 2016 beauty queen sa  Island Garden City of Samal, Davao del Norte ang natagpuang patay matapos na ito ay halayin kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Marcial Magistrado Director ng Davao del Norte Police ang biktima na si Kimberly Autida 19, na nabasag ang atay matapos na pagsusuntukin ng salarin na gumahasa dito.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang dalawang ‘person of interest’ na sina Ricardo Sale, 50 at Elvin June, 20.

Si Sale ay inimbitahan matapos na marekober ang duguang t-shirt nito sa fishpond sa lugar  malapit sa lubluban ng kalabaw sa nasabing isla.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon noong Miyerkules nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa lubluban ng kalabaw sa kanilang lugar.

Lumabas sa resulta ng medico legal report na may nakitang indikasyon na hinalay ang biktima saka pinagsusuntok sa may puson at sa lakas nang pagkakasuntok ay nabasag ang internal organ partikular na ang atay ng biktima na siya nitong ikinamatay.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with