Mag-live in pinasok, pinatay
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 29, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang mag-live in partner ng isang suspek na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay noon din sina Bernadette Añasco, 38, at Patrick Gregory Mercado, 37, construction worker, pawang residente sa Taurus St., Delta Village, Brgy. Tandang Sora.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang bahay.

Naghahanap pa ang mga pulis ng mga saksi dahil walang nakakita sa pagbaril sa mag-live in.

Ang biktimang si Añasco ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at isa sa leeg, habang tadtad naman ng tama ng bala sa katawan si Mercado.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with