Kagawad utas sa ambush
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 21, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang sakay ng isang pampasaherong tricycle kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Edwin Drueco y Cabang, 42, may-asawa ng no. 8 Robina Rd., Brgy. Nagkaisang Nayon.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa harap ng warehouse ng Carpel Corp na matatagpuan sa no. 172 General Luis St., ay sakay ang biktima ng isang tricycle na minamaneho ng isang Robert Marcelino.

Habang tinatahak ang kahabaan ng General Luis St., ay nakarinig na lang umano si Marcelino ng putok ng baril kaya’t siya ay napahinto.

Nang tingnan nito  ang kanyang likuran ay nakita ang biktima na duguang nakadapa sa kalye matapos magtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang taigiliran, kaliwang leeg at kaliwang kilay ang biktima.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with