Shootout: 9 holdaper napatay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - June 2, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Siyam na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang ang nasawi habang apat ang nasakote kabilang ang isang scalawag na pulis sa serye  ng operasyon sa Ozamis City, Misamis Occidental kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, bandang alas-3:45 ng hapon nang magsagawa ng serye ng operasyon ang mga elemento ng Ozamis City Police  at Provincial Public Safety Company (PPSC) laban sa mga suspek.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay  na suspek habang kinilala ang nasakoteng pulis iskalawag na si PO2 Hinoctan.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up operations ang mga otoridad matapos ang serye ng robbery/holdup at pamamaril sa lungsod na kinasangkutan ng nasabing robbery/holdup gang.

Gayunman kumasa ang mga suspek na nauwi sa shootout sa pagitan ng mga ito at ng arresting team ng pulisya.

Kabilang sa mga nasawing suspek ay 8 sa Brgy. Cabinti at isa sa follow-up operation sa Brgy. Balintawak matapos makipagbarilan sa mga otoridad.

Nasakote naman ng tumugis na mga operatiba ang apat na suspek kabilang ang isa nilang kabaro.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with