Digong walang kondisyon sa peace talks

MANILA, Philippines - Walang inilalatag na anumang kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para muling magpatuloy ang peace talks sa pagitan ng GRP peace panels at ng  Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

 Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus “Jess “ Dureza ,  ‘wish ‘ lamang o hiling ang mga inilatag ng Pangulo pero di ito nangangahulungan na nagtatakda ito ng kondisyon.

 “ Well, I am sure yung sinasabi ng Pa­ngulo that’s where the instructions are coming from. At saka hindi ‘yung conditionality na sinasabi mo. These are what the President wish,” ani Dureza.

 Kabilang sa mga sinasabing kondisyon umano ng Pangulo sa mga rebeldeng grupo ay ang pagpapalaya ng mga hostages o bihag lalong-lalo na ang mga pulis, sundalo at maging  mga taga-gobyerno gayundin itigil ang paghingi ng revolutionary tax.

Idinagdag pa ni Dureza na hindi dapat binibigyan ng interpretasyon ang mga pahayag ng Pangulo at hindi ito kondisyon para sa negosasyong pakikipagkapayapaan.

 

Show comments