Tatlo nalunod sa dagat
Joy Cantos (Pang-masa) - January 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao kabilang ang dalawang menor-de-edad nang  malunod sa dagat kamakalawa ng hapon sa Ilocos Sur.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng hapon sa karagatan ng Brgy. Pagsanaan Norte, Magsingal, Ilocos Sur.

Nabatid na nagkatuwaan ang mga biktimang sina Miguel Perez, 12; Devon Mitchell Ramos,12 kasama ang kanilang mga kaibigan na maglangoy sa nasabing karagatan na kung saan nalunod ang una na ang bangkay ay narekober bandang alas-4:50 ng hapon.

Ang ikalawa ay naganap dakong alas-4:10 naman ng hapon nang malunod ang mga biktimang sina Rhea Molina, 12, Erica Mae Jacinto, 11 at Amado Tamayo, 78.

Si Tamayo  ay dead-on-arrival sa pagamutan, habang ang bangkay ni Jacinto ay lumutang sa karagatan  habang nasagip naman si Molina na kasalukuyan nang nagpapagaling sa hospital.

ILOCOS SUR BRGY. PAGSANAAN NORTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with