9 sangkot sa droga, napatay
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - November 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Siyam na katao na umano ay sangkot sa droga ang napatay kabilang ang dalawa na nakipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City at Valenzuela City.

Sa Caloocan City, ang mga nasawi ay kinilalang sina Josefina Buenaventura, “alyas Mamita”, 57; Anthony Antang; Serapio Rosete, 49; Joven Borbe, 21; Roy Borbe; Rocky Donina, 31; at Ro­gelio Oledan.

Batay sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw ay nagpapahinga si Buenaventura at Antan sa kanilang bahay nang pasukin ng lalaking nakamaskara at pinagbabaril ito.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin din ng ilang kalalakihang nakamaskara ang bahay ni Antang at Rosete at pinagbabaril din sila at napatay.

Pinasok din dakong alas-12:00 ng madaling araw ang bahay ng magpinsang Borbe ng mga nakamaskarang suspek at sila ay pinagbabaril din.

Nakatayo naman sa harap ng kanilang bahay si Donina nang sumulpot ang suspek dakong alas-10:15 ng gabi at pinagbabaril din ito at napatay.

Kapwa nasawi noon din ang dalawang nasa drug watchlist na sina Jomar Serrano “alias Boknoy” at hindi pa kilalang kasama nang makipagbarilan umano ang mga ito sa mga pulis dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Min­danao Avenue, Brgy. Ugong, Valenzuela City nang pu­malag sa warrant of arrest na isisilbi sa kanila.

DROGA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with