Ambush: 3 utas sa Maguindanao
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - July 29, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay sa isang ambush ang tatlong katao naganap kahapon ng tanghali sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Landap Guiamad,46, inhinyero; Anwar Guiamad, 26; at Samon Pikawlan, 52. Habang nasugatan si Abdulaziz Guiamad, 25.

Batay sa ulat ng Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Nicson Muksan, bago naganap ang pananambang dakong alas-12:45 ng tanghali sa highway ng Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao ay kasalukuyang lulan ng Toyota Hi Lux ang mga biktima nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem na sumapul sa katawan ng tatlo.

Pinaniniwalaan naman ng mga kamag-anak ng mga biktima na rido ang motibo ng pag-atake sa mga biktima.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with