Truck vs van: 7 utas
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pitong katao ang nasawi habang 8 ang nasa malubhang kalagayan nang  magkabanggaan ang isang pampasaherong van at kasalubong nitong truck kamakalawa sa national highway ng Brgy. Lagundi, Kiamba, Sarangani.

Namatay noon din sina Crispina Lazelle, anak nitong si Maymay Lazelle; Myrna Tangjal;, Usman Yuga,15.

Habang binawian ng buhay sa ospital ang dalawang pasahero ng van na sina Irish Gail Rosalia; Marist Valmoria,13 at driver ng boom truck na si Gregorio Hombrog.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang driver ng van na si Abdulvander Dani, apat nitong pasahero at tatlo pang katao na sakay naman sa boom truck.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:35 ng hapon sa kahabaan ng national highway, Brgy. Lagundi, Kiamba ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang kulay puting Toyota Hi-Ace commuter van na may temporary plate 1201-122345 na minamaneho ni  Dani lulan ang sampung pasahero nang pumutok ang nasa una­hang gulong nito malapit sa Lagundi Bridge bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela at tuloy-tuloy na nakabanggaan ang papara­ting na kulay dilaw na boom truck (LCH -036) na minamaneho ni Hombrog at sakay sina Regio Obado, Jaypee Corpuz at Rodolfo Saranas.

ABU SAYYAF SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with