^

Police Metro

Ex-vice mayor, 3 pa arestado sa droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang dating vice mayor, at 3 iba pa ang naaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa isang farm sa bayan ng Famy, Laguna  kahapon ng  umaga.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina dating vice mayor ng Famy, Laguna na si Amadeo Punio; Ernesto Silva; Cairo Tamo at Anna Rose Dadulla; pawang residente ng Brgy. Salang-Bato, Famy ng lalawigan.

Batay sa ulat, bago naaresto ang mga suspek bandang alas-8:45 ng umaga ay nagsagawa nang pinagsanib na ele­mento ng Laguna Intelligence Branch nang raid sa farm ng kaibigan ni Punio.

Nasamsam sa operas­yon ang 117.65 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P588,250.00, isang timbangan, sari-saring shabu paraphernalia, isang shotgun, isang cal. 22 rifle, isang improvised cal. 22 pistol, isang armscor cal. 38 pistol, isang granada at sari-saring mga bala.

 

ACIRC

AMADEO PUNIO

ANG

ANNA ROSE DADULLA

BATAY

BRGY

CAIRO TAMO

ERNESTO SILVA

FAMY

ISANG

LAGUNA INTELLIGENCE BRANCH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with