Turista dedo sa ‘shadow boxing’
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang 39-anyos na Swiss national matapos itong mag-ehersisyo ng shadow boxing sa loob ng fitness center ng hotel sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Richard Prader na nanuluyan sa Room 2936, 29th floor  ng New World Manila Bay Hotel  sa panulukan  ng  M. H. Del Pilar Street at Pedro Gil Street sa nasabing lugar.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:15 ng hapon nang mag-shadow boxing sa loob ng Club Oasis Fitness Center ang biktima nang bigla itong tumumba.

Kaagad na sinaklolohan ng gym personnel ang biktima at binigyan din ng paunang lunas ni Dr. Orlando Filoteo at kinabitan ng oxygen para i-revive subalit hindi nagkamalay kaya isinugod sa Manila Doctor’s Hospital.

Dakong alas-6:11 ng gabi nang ideklarang patay sa nasabing pagamutan ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Swiss Embassy para sa kaukulang aksiyon.

ANG CLUB OASIS FITNESS CENTER DEL PILAR STREET DR. ORLANDO FILOTEO MANILA DOCTOR MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION NEW WORLD MANILA BAY HOTEL PEDRO GIL STREET RICHARD ESCARLAN RICHARD PRADER SWISS EMBASSY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with