^

Police Metro

3 bata sugatan sa pagsabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasugatan ang tatlong bata na naglalaro nang tamaan sila ng shrapnel mula sa isang pagsabog sa nasusunog na basura sa Brgy. 2 San Agustin, Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Arvin Raroga, 7, Grade 1 pupil; KC Onayan, 11, Grade 5 pupil at James Fabian, Grade II pupil na pawang isinugod sa Roque Ablan Memorial Medical Center.

Sa ulat ng Ilocos Norte Police, bago naitala ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang naglalaro ang mga biktima malapit sa isang sinigaan na basurahan nang bigla na lamang umanong may sumabog mula doon na tumama sa mga bata.

Pinaniniwalaan mula sa isang bote o grapon na may lamang pulbura ang pinagmulan ng pagsabog na ikinasugat ng mga biktima.

ANG

ARVIN RAROGA

BRGY

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE

JAMES FABIAN

NASUGATAN

ONAYAN

PINANINIWALAAN

ROQUE ABLAN MEMORIAL MEDICAL CENTER

SAN AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with