^

Police Metro

5 tiklo sa illegal fishing

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa iligal na pangingisda sa karagatan na itinuturing na marine protected area sa Barangay Laiya Ibabao sa bayan ng San Juan, Batangas, kamakalawa. Sa ulat ni PO3 Amado Villanueva ng San Juan PNP na isinumite sa Camp Crame, nakilala ang lima  na sina Jimboy Pacino, 24; Ricky Diaz, 22; Allan Decena,19; Lodivico Malutao, 24; mga residente sa Brgy. Dalahican, Lucena City; at si Mario Samarita, 56, ng Brgy. Barualte sa nasabing bayan.

Nasabat ng mga tauhan ng Bantay Dagat ang lima na lulan ng motorized fishing boat habang nangingisda sa itinuturing na marine protected area bandang alas-2 ng madaling araw.

Nasamsam ang dalawang pana, bangkang pangisda na hindi nakarehistro, bangka na walang motor, 10-kilo ng isda at isang compressor. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8550 (illegal fishing) ang mga suspek.

ALLAN DECENA

AMADO VILLANUEVA

BANTAY DAGAT

BARANGAY LAIYA IBABAO

BRGY

CAMP CRAME

JIMBOY PACINO

LODIVICO MALUTAO

LUCENA CITY

MARIO SAMARITA

SAN JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with