^

Police Metro

Turistang Aussie nadale ng snatcher

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa na namang 65-anyos na turistang Australian na sinasabing nakasaklay bunga ng pinsala sa kaliwang paa ang nadale ng snatcher matapos itong agawan ng sling bag sa panulukan ng Lacson Street sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa reklamo ni Wayne Dumschat sa himpilan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section, sinubukang habulin ng biktima ang snatcher subalit bigo siya kaya hindi na nabawi ang bag na naglalalaman ng laptop, cellphone at $6,000 cash.

Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang Pinay na misis sa España Avenue malapit sa terminal ng pampasaherong bus sa panulukan sa  Sampaloc nang hablutin ang kaniyang sling bag.

Nabatid na ang biktima ay galing sa Isabela kasama ang asawang si Edna nang maganap ang insidente.

Hindi na rin makapaghain ng kaso ang biktima dahil pabalik na ito sa Australia.

ANG

ATILDE

EDNA

ESPA

ISA

ISABELA

LACSON STREET

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

NABATID

WAYNE DUMSCHAT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with