Sidewalk vendors sa Baclaran binuwag
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Binuwag ng mga otoridad ang daan-daang illegal sidewalk vendors sa Baclaran, Parañaque kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong 10:00 ng umaga nang magsimulang magsagawa ng clearing operation ang Parañaque Police, Local Traffic Management at Parañaque City Government  laban sa mga nagkalat na illegal sidewalk vendor at traffic obstruction tulad ng mga nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Taft Avenue, ilalim ng LRT station, Barangay Baclaran.

Ang hakbangin ay upang mapaluwag ang matinding trapik na nararanasan sa lungsod, partikular sa area ng Quirino Avenue hanggang Barangay Tambo.

Hindi naman nakapalag ang mga vendors at tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na  isasaa­yos nila ang kalagayan ng mga ito  upang huwag maapektuhan ang kanilang kabuhayan.

ACIRC ANG ATILDE BACLARAN BARANGAY BACLARAN BARANGAY TAMBO CITY GOVERNMENT LOCAL TRAFFIC MANAGEMENT NBSP QUIRINO AVENUE TAFT AVENUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with