Kandidatong konsehal dedo sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - January 12, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Idineklarang dead on arrival ang isang kandidatong konsehal ng bayan matapos na ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Brgy. San Isidro, Placer, Surigao del Norte.

Ang nasawi ay kinila­lang si Danrevel Tuldanes Etac, 62, residente ng Taganaan, Surigao del Norte.

Batay sa ulat, bago nangyari ang ambush bandang alas-8:15 ng umaga ay lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo pauwi sa kaniyang bahay ga­ling sa bayan ng Placer nang sundan ito ng mga suspek.

Pagsapit sa lugar ay big­la na lamang pinagbabaril ang biktima at pagbagsak ay mabilis nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Sison.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na bagaman naisugod pa sa Surigao del Norte Provincial Hospital ay idineklara itong dead-on-arrival.

Kabilang sa sinisilip na anggulo ay matinding banggaan sa pulitika at personal na alitan.

 

ACIRC ANG BATAY BRGY DANREVEL TULDANES ETAC IDINEKLARANG KABILANG NORTE NORTE PROVINCIAL HOSPITAL SAN ISIDRO SURIGAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with