Patay sa resbak ng kapitbahay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 32-an­yos na lalaki nang barilin kamakalawa ng hapon  ng kapitbahay na kanyang sinaksak may tatlong taon na ang nakakalipas sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 ay kinilalang si Jojo De Vera, binata, mi­yembro ng Sputnik gang at residente ng Unit 519 Building 20, Permanent Housing, Tondo.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Roy Sanchez, alyas “Totong Dela Cruz”, 60,  pintor  at residente ng Unit 515 Building 24, Permanent Housing, Tondo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:00 ng hapon sa harapan ng Kala­yaan Hall ng Barangay 129,  Zone 11, District 1 sa Rodriguez St., Balut, Tondo ay papauwi na ang biktima mula sa pakikipaglamay nang lapitan siya ng suspek  at walang  kaabog-abog na binaril ng tatlong beses.

Batay sa imbestigasyon na may kinimkim na galit ang suspek sa biktima nang ito ay saksakin ng huli may 3 taon na ang nakakalipas na halos ikasawi ng una.

ACIRC ANG BATAY JOJO DE VERA MAYNILA NAMATAY NBSP PERMANENT HOUSING RODRIGUEZ ST. ROY SANCHEZ TOTONG DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with