_pang-masa
^

Police Metro

Traffic constable utas sa tandem

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) habang nagmamando umano ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinilalang si Sidney Role, 38, may-asawa, residente ng Sitio Lukban, Cogeo Antipolo City, Rizal.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora Avenue, Barangay Old Balara ay nagmamando umano ang biktima ng trapiko nang parahin nito ang isang motorsiklo dahil sa pag-counter flow.

Bumaba ang angkas ng motorsiklo at walang kaabog-abog na binaril ang biktima.

Bulagta ang biktima at nang tinangkang tulungan ng kanyang kapatid na si Richie na nagkataon na nandoon ay tinutukan din ng baril ng angkas bago mabilis na tumakas.

Isinugod ang biktima ng kapatid sa East A­venue Medical Center, subalit ganap na alas-2:35 ng mada­ling araw ay binawian ito ng buhay dahil sa  multiple gunshot wounds sa  ulo.

ACIRC ANG BARANGAY OLD BALARA COGEO ANTIPOLO CITY COMMONWEALTH AVENUE EAST A MEDICAL CENTER METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY QUEZON CITY SIDNEY ROLE SITIO LUKBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with