P1.5-M shabu nasamsam
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - December 13, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug pusher sa loob ng bus sa public terminal ng Tacurong City sa Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 Lyndon Aspacio, kinilala ang suspek na si Purita Jalos, 47, ng General Santos City.

Nasamsam kay Jalos ang 200 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ayon kay Aspacio, mula sa area ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang suspek kung saan sa dami ng nasamsam na droga ay hindi na ito makapagpiyansa pa.

Napag-alaman na dati nang may kaso sa ilegal na droga ang suspek habang nakakulong naman ito sa holding cell ng PDEA-12 at nakatakdang kasuhan ngayong umaga.

 

AABOT ASPACIO AUTONOMOUS REGION AYON DRUG ENFORCEMENT AGENCY REGIONAL OFFICE GENERAL SANTOS CITY LYNDON ASPACIO MUSLIM MINDANAO PURITA JALOS SULTAN KUDARAT TACURONG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with